Wala pa ring nanalo sa mahigit ₱281.5 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Biyernes ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination nito na 05-39-40-31-29-46 na may katumbas na premyong aabot sa ₱281,543,624.000.

Dahil walang tumama, inaasahan ng PCSO na lumaki pa ang magiging jackpot nito sa mga susunod na araw.

Nilinaw ng PCSO, isang mananaya ang huling nanalo ng jackpot para sa nasabing laro nitong nakaraang Agosto 5 kung saan nasa ₱163.4 milyong ang naiuwi nito.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Nabili umano nito ang ticket sa Taytay, Rizal, ayon sa ahensya.

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo.