Pumalag si Binibining Pilipinas 1st runner up Herlene Nicole Budol sa netizens na nambash sa kaniyang kamakailang post hinggil sa pagbisita niya sa puntod ng kaniyang lola. 

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen ang naging post niya noong Huwebes, Nobyembre 24, kung saan makikitang nakahiga siya sa tabi ng puntod ng kaniyang Lola Bireng habang nakasuot pa siya ng pajama.

May mga netizen ang naka-relate, may iba namang hindi nagustuhan ang kaniyang post. 

“Nasumbong ko na lahat kay nanay,” sey niya sa caption ng naturang post.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ayon pa sa beauty queen, ang lola raw niya ang sumbungan niya. Palagi raw itong nakikinig at naniniwala kay Herlene.

“Dati kasi siya yung sumbungan ko. Siya yung nakikinig at naniniwala sa akin. Ngayon I feel na hindi lang ako nawalan ng lola, magulang, nawalan din ako ng kaibigan,” emosyonal na sabi ni Herlene.

“Kaya kahit wala ka na sa tabi ko alam kong ikaw pa rin ang kakampi ko. Alam kong mas madalas kitang kasama kaya nakauwi ako nang safe,” mensahe niya sa kaniyang lola.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/25/herlene-budol-binisita-ang-puntod-ng-lola-ikaw-pa-rin-ang-kakampi-ko/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/25/herlene-budol-binisita-ang-puntod-ng-lola-ikaw-pa-rin-ang-kakampi-ko/

Kaya naman, nagsalita na rin si Herlene para tuldukan ang bashing.

"Ang daming nag sasbi Ang OA Ko daw. Napanaginipan Ko Ang nanay pag Kauwing pag ka uwi ko at tumatanggi akong I kwenta Sa lahat na nahihirapan ako na nalulungkot ako Pero alam nya Ang lahat ng ngyare kaya siguro dumalaw sya sa panaginip Ko pinaalala nya na Anjan padin sya at handang makinig," sey ng beauty queen sa comment section ng naturang post.

"Walang masama kung mag sumbong tayo Sa taong alam nating mapapagaan yung loob natin isipin nyo nalang na shinare Ko tong picture na to para ipaalala sainyo na kahit wala na sila dito sa mundong ginagalawan natin naka bantay at nanatili padin silang Anjan para satin mahalin nyo yung mga taong anjan pa Sa tabi nyo para Hindi nyo di pa huli Ang lahat," dagdag pa niya. 

Bumuhos naman ang suporta sa ilang mga netizen. 

"dedma mo lang, baka hindi palang nila ramdam kung gaano kasakit na mawalan."

"hwag mo cla pansinin ala cla ambag sa buhay mo ok"

"yes po ms harlene relate much po mskit mwalan ng ina or ama nkakamiss po ang pag aalaga stin ng atung mga magulang nung nbubuhay pa cla ngaun nd na ntin mapramdam sa kanla ang pagmamahal i miss my nanay and tatay to much"

"don't mind them Ms. Harlene. Madaming tao sa mundo na tama man o mali gawin ng kapwa, may nasasabi pa din.Stay happy ang God bless you."

"ganyan talaga Ang buhay. Kahit anong galaw o kilos mo may masasabi talaga sila sayo. Kaya nga di umuunlad ang Pinoy eh Kasi lahat Ng bagay binibigyan ng issue, sinisiraan Ang kapwa Pinoy."

"no need to explain yourself to others na hnd nakakaranas ng na experience mo. Yang mga nagsasabi ng OA ka. E mga kulang sa aruga at d alam ung pinagdaanan mo. Hayaan mo sila. 🫶 Lakasan mo lng loob mo, mas madaming naniniwala sa kakayahan mo"

" hndi pa ksi nila narranasan ang nrrmdaman mo Ms. Herlene sila ata ang OA mkareact syo"

"sending hugs 💖 yung mga nagsasabing OA ka hindi nila alam yung feeling ng mawalan isa sa mga pinaka importanteng tao sa buhay nila.. they will never understand the pain until mangyari na sa kanila. Kaya feeling nila OA yung ginagawa mo pero samin na nawalan din ng pinaka importante mahal sa buhay. Nafifeel ko Genuine yang actions mo and Hindi ka OA:"

"baka di sila dndalaw sa panaginip ng mga mahal nila sa buhay. Nasobrahan sa pang babash pati mga yumao nlang mahal sa buhay di ng nparamdam. Haha tamaan dyan guilty"

"walang oa sa ginawa mu lodz .kahit ako nga tagal na wala mama ko namimiz at napapanaginipan ko pa din sya .kya nga sya na ginawa kong profile puc dito sa fb ko .walang oa sa ginagawa naten .sa mga nagsasabi dyan .mas magandang sabihin ang nararamdaman sa iba .kesa naman itago at magpakaplastik"

"es correct Ms hipon, nakakagaan ng dibdib ,ang spirit nila andiyan lng nagbabantay sa atin , ako din ganyan 😅😅"