Pinatunayang muli ng komedyanteng si Michael V ang pagiging “King of Philippine Parody” matapos umere ang kaniyang bersiyon ng awiting “Gusto Ko Nang Bumitaw” ni Morissette Amon bilang bahagi ng ika-27 taon ng gag show na “Bubble Gang” na napapanood sa GMA Network, Nobyembre 25, 2022.

Sa limang minutong parody music video, gumanap sina Chariz Solomon at Michael V bilang mag-asawang naghahanda para sa online live selling, nang lumabas sa kuwarto ang karakter ni Chariz.

Dito na nagsimulang mag-emote ang karakter ni Bitoy na isa pa lang klosetang beki na nais nang “bumigay” at nais nang magpakatotoo sa kaniyang sarili kasabay ng mga transition na nagpapalit ng iba’t ibang damit pambabae.

Sa huli, nabuking na siya ng lahat pati ng kaniyang misis dahil naka-Live na pala siya kanina pa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bagama’t comedy ang atake para ilan ang nasabing video, kapansin-pansin ang lalim sa lyrics ng awiting posibleng alay ng komedyante sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community na hindi pa rin “out” o tinatago pa ang kanilang totoong gender identity.

“Comedy pero may kurot sa puso. Ang galing, grabe. Yung lyrics, transitions (props to the editor), at siyempre yung execution at pagkanta ni Sir Bits — napaka-creative at talented na tao talaga."

"Idol na idol talaga kita boss walang kupas parin ang galing..."

"Hindi lang basta comedy pero may substance pa rin. Galing! Ang husay talaga ni Bitoy."

"Kailangang mapanood ito ni Mori hahaha. Galing!"

"Tawang-tawa ko dito kagabi kahit mag-Isa kong nanood, ang galing kasi ni Mr. Michael V."

"The one and the only Michael V!"

Sa ngayon ay mayroon ng higit sa 2 million views sa Facebook page ng GMA Network ang nasabing parody music video.