Isinailalim sa mandatory drug test ang mga babaeng preso sa Quezon City nitong Sabado.
Ito ang isinapubliko ng Quezon City government sa pamamagitan ng Facebook page nito.
Pinangunahan ni Dr. Vincent Abay ngQuezon City Special Drug Education Center (SDEC), ang drug testing bilang bahagi ng drug dependency evaluation ng mga preso.
Aniya, sinusuri ang mga ito upang matukoy kung sila ay "low, moderate o severe risk" user at mairekomenda sila na sumailalim sa drug counselling o mailipat sa drug rehabilitation facility.
Bahagi lamang ito ng 'No Woman Left Behind' program ng pamahalaang lungsod na may layuning matulungang maisulong ng mga preso ang kanilang karapatan.