Mistulang nagpaparamdam si Miss Grand International 2020 1st runner-up Samantha Mae Bernardo na sasabak sa iba pang pageant tulad ng Miss Supranational.

Sa isang TikTok filter, sinagot ni Bernardo ang tanong ng fans kung naiisipan pa ba nitong muling sumungkit ng korona sa ibang pageant.

"Good morning, TikTok. Kagigising ko lang and ang daming nagta-tag sa'kin kung sasali pa ba ako ng pageant, like a Miss Supranational, ano sa tingin mo?"

"I can't answer that," sagot ng filter, na siya namang sinang-ayunan ng beauty queen.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Sure na ba TikTok? O, hindi pa rin sure. Minsan talaga sa buhay hindi mo sure kung ano ba talaga e. Pero sa tingin mo ba worth it pa din? Worth it pa ba kung sasali ako ng Miss Supranational 2023?" tanong ni Bernardo sa kanyan TikTok video.

Nabanggit ni Bernardo ang pagbabago sa kwalipikasyon ng nasabing beauty contest na kung saan ay maaari nang lumahok sa Miss Supranational ang kababaihang edad 18- hanggang 32-anyos.

BASAHIN: Miss Supranational, itinaas age limit, tatanggap ng mga kandidatang hanggang edad 32

Epektibo agad sa darating na Miss Supranational 2023 competition ang pagbabago sa age limit ng mga kwalipikadong kandidata na dati ay hanggang 28-anyos lang.

Nabanggit din ni Bernardo na ang korona ng Miss Supranational ang isa sa pinakagusto niyang mapanalunan noon pa man.

"… So dati ito 'yung isa sa mga gusto kong crown."

Gayunpaman, hindi naging malinaw ang sagot ng beauty queen kung gugulatin niya ang pageant fans sa paglahok sa nasabing kompetisyon.

"Pero ang tanong, "Is it all worth it, TikTok?" muling tanong ni Bernardo.

"No," sagot ng filter.

"TikTok na nagsabi niyan," ani Bernardo.