Nagkaroon pa ngpag-asaang Rain or Shine (ROS) sa playoff matapos patalsikin ang Blackwater, 116-97, sa PBA Commissioner's Cup sa PhilSports Arena sa Pasig nitong Biyernes.

Hawak na ngayon ng Elasto Painters ang rekord na 5-6, panalo at talo, kahanay sa puwesto ang Phoenix Fuel Masters.

Laglag naman sa kontensyon sa quarterfinal ang Blackwater dahil sa hawak na barahang 3-9.

Sumandal naman ang ROS sa kanilang import na si RyanPearson na kumubra ng 22 puntos, 12 rebounds at limang assists.

Nagpakitang-gilas din ang kakamping si Rey Nambatac na kumolekta ng 21 puntos, pitong rebounds at apat na assists.

Metro

Lalaki sa tuktok ng LRT-2 Antipolo Station, may mental health condition—Mayor Ynares

Bukod sa Blackwater, laglag na rin sa kompetisyon ang NorthPort Batang Pier at Terrafirma Dyip.