Nagbigay ng ilang paalala ang Pasig City Local Government Unit sa mga Pasigueño hinggil sa distribusyon ng taunang Pamaskong Handog na magsisimula bukas, Nobyembre 26.
Sa Facebook page ng Pasig PIO, inilahad nila ang anim na paalala para sa distribusyon ng Pamaskong Handog.
"It's the most wonderful time of the year in Pasig dahil bukas, November 26, 2022, sisimulan na ang distribusyon ng Pamaskong Handog 2022!" paunang sabi ng lokal na pamahalaan.
"1. Araw-araw ang posting ng schedule ng Pamaskong Handog distribution. Ipo-post ito tuwing umaga sa mismong araw ng scheduled distribution. [Ito ay para maiwasan ang pagdayo ng mga taga ibang lugar para makakuha ng Pamaskong Handog packs.]
2. Katulad ng mga nagdaang taon, bahay-bahay ang distribution. Hintayin sa bahay ang distribution team.
3. Ihanda na ang inyong mga PasigPass QR code! Isang pamilya, isang PasigPass QR Code, isang Pamaskong Handog. Kung may tatlong pamilya sa isang bahay, tatlong PasigPass QR code ang kailangan ipa-scan, at tatlong Pamaskong handog packs ang matatanggap.
4. Maghanda din ng proof of identity. Bawal gamitin ang PasigPass QR code ng ibang tao.
5. Kapag walang naabutang tao sa bahay, mag-iiwan ang distribution team ng Form na may instruction kung paano maike-claim ang Pamaskong Handog. Magi-ischedule ng isang weekend ang PH Team para sa araw na yun makapag-claim ang mga may hawak ng Forms.
6. May ibang schedule ng distribution ang mga condominium. Nakikipag-ugnayan ang Pamaskong Handog Team sa condominium administrators."
Samantala, hangad ng pamunuan ng Pasig ang makabuluhang pagdiriwang ng Kapaskuhan para sa mga Pasigueño.