Sinimulan na ng mga tauhan ng Quezon City government ang pagsagip sa mga batang namamalimos at street dweller.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi niSocial Services Development Department (SSDD)-Community Outreach Division chief Eileen Velasco, mahigit sa 200 na Badjao at 400 na nagtitinda ng sampaguita at street dwellers ang dinampot nila sa sunud-sunod na operasyon ng Task Force Sampaguita.

Dahil aniya sa dami ng nasagip sa operasyon, pansamantala muna nilang dinala ang mga ito sa covered court ng QC Memorial Circle.

Ipinaliwanag ni Velasco, layunin ng operasyon na matulungan at mapauwi sa kani-kanilang probinsya ang mga Badjao at mailigtas naman sa panganib sa kalsada ang mga namamalimos at nagtitinda ng sampaguita.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Karamihan aniya sa mga Badjao ay nanggaling pa sa Zamboanga at Sulu, at pumupunta sila sa Metro Manila tuwing Kapaskuhanupang mamalimos.