Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang healthcare institutions ng gobyerno at pribadong sektor na lalo pang magtulungan sa hangarin na mapabuti ang mga operasyon ng health insurance sa bansa.

Inihapag ni Marcos ang pangangailangang palakasin pa ang pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor sa kanyang pakikipagpulong sa mga kinatawan ng Private Sector Advisory Council (PSAC).

Inatasan ng Pangulo ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na suriin ang “best practices” at isama ang digitalization initiatives para sa pagpapabuti ng health insurance operations at pagbibigay ng mga benepisyong pangkalusugan.

Binigyang-diin niya na ang pagpapalakas ng public-private partnerships kasama ng malakas na third-party assessments ay tutugon sa efficiency concerns sa pagharap sa mga pangangailangan sa kalusugan ng mga Pilipino.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang PSAC, sa bahagi nito, ay nagpahayag ng pangako na tulungan ang administrasyon sa pagpapabuti ng sistemang pangkalusugan, partikular sa pagpapalakas ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pamamagitan ng pagbibigay ng third-party assessment na tututuon sa pagtugon sa mga operational gaps sa paghahain ng mga claim, aplikasyon ng membership, digitalization at actuarial valuation, bukod sa iba pa.

Nangako rin ang mga miyembro nito na magdala ng mas murang mga gamot at tugunan ang kakulangan ng mga nars.

Nangako ang pribadong sektor na makikipagtulungan sa Food and Drug Administration (FDA) para i-upgrade ang mga sistema nito para makakuha ng accreditation sa iba't ibang international regulatory body at itaas ang kamalayan tungkol sa halaga ng mga generic na gamot.

Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong ng grupo ng PSAC healthcare sector ay sina PSAC Strategic Convenor Sabin Aboitiz, PSAC Healthcare Lead Paolo Maximo Borromeo, Filipino-American molecular biologist at pari na si Dr. Nicanor Austriaco, Metro Pacific Hospital Holdings Inc. CEO Dr. Harish Pillai at Unilab President at CEO Clinton Campos Hess.

Betheena Unite