Dismayadong napa-react na lang si Kapamilya singer Jed Madela at kaniyang stylist sa walang paalam na paggamit ng isang clothing store sa kaniyang larawan para sa isang sponsored ads online.

Ito ang laman ng Facebook post ni Jed, Huwebes, matapos malamang prente siya ng isang online ads ng umano’y clothing line.

Sa mga larawan, intensyonal pang putol ang kaniyang mukha at halatang edited pa ang mga kulay ng mga ibinebenta umanong damit.

“Luh! I’m pretty sure this is me but I don’t remember endorsing this site or even wearing such colors,🤨” mababasa sa kaniyang dismayadong post.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag niya ang larawan ay kaniyang OOTD or outfit of the day sa Sunday variety show ng ABS-CBN na ASAP Natin ‘To.

Maging ang stylist ng Kapamilya singer ay hindi rin aprubado ang ilegal na paraan ng paggamit ng larawan.

“Omg flattering but hell no!!!” reaksyon na lang ni Gian Carlo David Laxamana nang ma-tag ni Jed sa naturang post.

Anang isang follower, maituturing ding “identity theft” ang walang paalam na pagdukot sa mga larawan na bagaman isinapubliko ay malinaw na ginamit upang magbenta ng produkto.

“This offense, carries a maximum term of 15 years' imprisonment, a fine, and criminal forfeiture of any personal property used or intended to be used to commit the offense,” anang isang Samuel Ramos, isang doktor.

Ilang pang online followers ni Jed ang nagpahayag ng parehong pagkadismaya sa malinaw na patas na gawain ng nasabing online store.

“Awww that is so rude of them naman. They should not be doing such acts lalo na if di naman alam ng tao involved,” komento ng isang follower.

“Iffy pa yung name ng site. Like those scammy ads,” segunda ng isa pa.

“Mga sponsored ads ito yung mga kumukuha ng mga pics ng mga celebrities, tapos imi misspell lang yung pangalan ng kaunti, then sasabihin they are using the products.. dami ganito, lalo yung mga celebs na may mga kids. They are being used to endorse walasilang kaalam alam. I even reached out to some pero dedma din kasi sa DMs Tapos ang laki ng markup nila sa product, x3 or x4 compared to online stores pricing,” obserbasyon pa ng isang netizen.

Wala pang reaksyon ang clothing store na “Stillmissv” sa post ng singer.

Tila lumalabas naman na hindi lang ito ang tindahan na gumamit sa mga larawan ni Jed matapos magkomento pa ng mga kagayang kaso ang ilang followers ng singer.

Basahin: Pangangalaiti ni Kryz Uy: ‘Wag niyo isama anak ko sa scam niyo!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi ito unang beses na nabitag ang isang celebrity sa ilang pekeng ads.

Kabilang na sa mga naunang nagpaalala sa kanilang followers sina Kapuso actress Carla Abellana at Cebuana vlogger Kryz Uy matapos mabiktima ng parehong modus.