Inaasahang magpatupad ng malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Sa isang public briefing, sinabi ni Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, posibleng umabot sa ₱3.70 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel at hanggang ₱2.40 naman ang itatapyas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Mahigit sa P1 naman ang iro-rollback sa presyo ng gasolina batay na rin sa kalakalan ng produkto sa nakaraang apat na araw.

Gayunman, nilinaw ng DOE na posible pang magbago ang nasabing bawas-presyo dahil nakasalalay ito sa resulta ng kalakalan ng langis nitong Biyernes.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Kabilang sa nakikita nilang dahilan ng price adjustment ang paghina ng demand ng produkto sa China, mas mataas na imbentaryo ng krudo sa Estados Unidos at ang ipinaiiral na price cap sa krudo ng Russia.