Nasa 14 kaso ng nakahahawangOmicron subvariantBQ.1 ang naitala sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

Natukoy ng DOH ang 14 kaso ng sakit matapos mailabas ang resulta ng pinakahuling genome sequencing na isinagawa ngUP-Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine, at San Lazaro Hospitalnitong Oktubre 28 hanggang Nobyembre 18.

Sa nasabing bilang, 13 ang naitala saCordillera Administrative Region, Region 1, Region 4A, Region 7, at National Capital Region (NCR).

Gayunman, hindi pa makumpirma ng DOH kung ang natitira pang isang kaso nito ay sareturning overseas Filipino (ROF).

National

Castro, itinangging pagsuko ni Revilla ang simula ng pagpapanagot sa mga big fish: ‘Halos nasa gitna na nga!’

Babala naman niDOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, angBQ.1 ay madaling maihawa kumpara sa Omicron subvariants.