Dahil hanggang Disyembre na lamang ang 'Maalaala Mo Kaya' o MMK, isang malaking karangalan para sa aktor na si RK Bagatsing na maging bahagi ng ilan sa mga kwento nito.

Ibinahagi ni RK ang ilang larawan ng mga ginampanan niyang roles sa MMK.

"Isang malaking karangalan po maging bahagi ng ilan sa mga kwento niyo @mmkofficial. Maraming salamat po sa pagkakataon at tiwala. 📝❤️💙💚" saad ng aktor sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Nobyembre 23. 

Kamakailan lamang ay bumida muli si RK sa isang episode ng MMK noong Nobyembre 19 kung saan kasama niya rito ang Kapamilya actress na si Ryza Cenon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang biglaang anunsyo ang MMK host at isa sa mga ehekutibo ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio na hanggang Disyembre na lamang eere at mapapanood ang nabanggit na longest-running drama anthology sa bansa.

“Hindi na po mabilang ang nasalaysay na kuwento dito sa ‘MMK’ — mga kuwentong totoo, mga salamin ng sarili ninyong buhay na nagbigay ng aral at ng panibagong pag-asa,” aniya.

“Kulang po ang tatlumpu’t isang taon para magpasalamat sa inyo,” anang host.

“Gusto ko pong magbigay-pugay sa lahat ng nagpadala ng sulat, sa aming mga direktor, writers, researchers, production staff, at sa lahat ng naging bahagi ng aming programa.”

“Sa mga artistang gumanap, maraming, maraming salamat. Sa management ng ABS-CBN, sa aming mga sponsors at higit sa lahat sa inyong mga tagapanood, kayo po ang nagsabing makahulugan sa inyo ang aming ginagawa,” pagpapatuloy niya.

“Salamat po sa lahat ng nakaraan at sa anumang paraan na maaaaring pa tayong muling magkita. Ito po si Charo Santos, ang inyong tagahanga at tagapagkuwento.”

Hindi naman nabanggit ang dahilan kung bakit kinakailangang tigbakin ang naturang show, na nagpaiyak sa milyon-milyon nitong tagasubaybay, at nagbigay pa ng pagkakataon sa lahat na hulaan ang titulo ng tampok na episode.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/11/22/celebs-netizens-nalungkot-sa-malapit-na-pagbabu-ng-mmk-sa-ere-naglapagan-ng-paboritong-episodes/