Nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas sa 80 pamilya na nawalan ng tirahan dahil sa nangyaring sunog sa Julius Compound sa Barangay Pulang Lupa noong Nobyembre 18.

Binisita ni Vice Mayor April Aguilar ang mga biktima ng sunog na nananatili sa Mapayapa Village covered court at nagbigay ng family food packs, sapin at kumot, at hygiene kits.

Ayon saDepartment Social Welfare and Development (DSWD) officesa lungsod, nasa 80 pamilya na kinabibilangan ng 350 indibidwal ang nabigyan ng pagkain mula almusal, tanghalian at hapunan.

Sinabi ni Aguilar, base sa ulat ngBureau of Fire and Protection (BFP), umabot sa P125,000 halaga ng pinsala ng sunog.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Jean Fernando