Matapos ang ilang buwan na walang paramdam, ibinahagi ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang kalagayan niya ngayon sa Estados Unidos.
Sa kaniyang Instagram post, inupload niya ang larawan ng mga anak niyang si Josh at Bimby. Aniya, sila raw ang rason kung bakit siya patuloy na lumalaban.
"It’s been a few months… i didn’t want to post until i had definite info as my update. 1st THANK YOU for praying for me, for us," bungad ni Kris.
Pinasalamatan niya ang mga kaibigan niyang Iglesia ni Cristo na pumunta sa kaniya para siya ay i-anoint ng healing oil.
Pinasalamatan din niya maging ang Carmelite sisters sa Quezon na patuloy siyang isinasama sa panalangin.
"Thank you Minister Joji & my INC friends for making the trip to anoint me w/ healing oil, sharing the Biblical healing verses that i now include in my daily prayers," anang aktres.
"Thank you to my friends, the Carmelite sisters in Quezon who include me in their daily prayers. And a special THANK YOU to Archbishop Soc," dagdag pa niya.
Ikinuwento rin niya ang mga naging proseso para sa kaniyang sakit.
"It’s step 1 on what will likely be more than 18 months of diagnosis & treatment. i’m signed up in a hospital’s Center for those with Rare & Undiagnosed illnesses. My last set of test results were conflicting; that’s why i chose to have my full diagnosis & treatment with a team of multidisciplinary doctors," ani Kris.
Saad pa niya, iba raw ang proseso sa US. Kailangan pa niyang i-submit lahat ng mga medical record niya noong 2018 na kung saan unang na-diagnose siya ng autoimmune disease sa Singapore.
"Iba ang process dito. My 1st step was submitting all my medical records from 2018 when my autoimmune was 1st diagnosed in Singapore; i had a teleconsult w/ the assigned doctor-coordinator for me, then we’ll do a video consult in 2 weeks. i’ll be admitted early 2023 to undergo every imaginable test they’ll deem necessary."
Pagbabahagi pa niya, kapag nakuha na nila ang resulta ng mga test, tiyaka raw magdedesisyon ang kaniyang team kung ano ang 'the best' treatment para sa kaniya. Pero inamin daw ng coordinator na "challenge" ang sakit ni Kris dahil allergic siya sa mga gamot kabilang ang steroids.
"After my results, the team shall decide what treatment will be best because the coordinator admitted I’m a “challenge” since i’m allergic to so many types of medicine including all steroids. Pang case study daw ako- 1 person with multiple autoimmune conditions & over 100 known allergic or adverse reactions to medication."
Samantala, tila naging emosyonal si Kris sa bandang dulo ng kaniyang post. Aniya, ipinost niya ang larawan ng mga anak dahil sila raw ang rason kung bakit siya lumalaban.
Tinitiis din daw niya ang matitinding sakit na sagad sa buto.
"i posted a picture of kuya & bimb- they are my REASONS kung bakit TULOY ANG LABAN, BAWAL SUMUKO: tinitiis yung matinding sakit (sagad sa buto) while allergic to all pain relievers; the constant fatigue, awful sense of balance, nonstop dry cough & shortness of breath; yung sobrang pag-iingat (i’m so immunocompromised- since June i’ve NEVER been to a restaurant, NEVER entered a store, supermarket, or a mall)."
Patuloy rin daw siyang nananalangin na maging ina pa rin sa mga anak.
"I pray for the blessing to be healthy enough to still be their mama-the one who would cook, travels for fun, goes to Church, and watches movies w/ them. All in God’s perfect time…"
KAUGNAY NA BALITA: https://balita.net.ph/2022/08/04/kris-aquino-nagtataray-daw-sa-mga-doktor-niya-sa-abroad/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/04/kris-aquino-nagtataray-daw-sa-mga-doktor-niya-sa-abroad/
Sa naturang post, nagkomento ang ilan sa mga kilalang showbiz personality para hilingin ang paggaling ng aktres.