Umapela sa gobyerno ang grupong Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage)na gawing₱33,000 ang minimum wage sa bansa.

Sa isang television interview, binanggit ni Courage President Santiago Dasmariñas, masyado umanong maliit ang kanilang sinusuweldo dahil na rin mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Sa pag-aaral aniya ng non-government organization na IBON Foundation, aabot na dapat sa₱1,119 kada araw ang family living wage para sa pamilya na may limang miyembro.

Gayunman, sinabi nito na angkalkulasyon ay isinagawa nitong Setyembre na mas mabagal pa ang inflation opagtaasng presyo ng bilihin at serbisyo.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

"Noong nakaraang buwan, umabot na ng 7.7 percent ang inflation rate samantalang 'yung sweldo ng mga kawani ng gobyerno, lalung-lalo ng nasa mababang posisyon, ay mababa pa rin.Kaya po ang aming panawagan: Across the bureaucracy, dapat pantay-pantay lahat," giit nito.

Aniya, nasa₱12,517 ang sahod ng nasa pinakamababang puwesto sa gobyerno.