Hindi sinipot ng kontrobersyal na suspendidong hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gerald Bantag ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) sa kinakaharap na kasong murder kaugnay sa pagkakapaslang kay veteran broadcaster Percival "Percy Lapid" Mabasa.
Tanging ang abogado ni Bantag na si Atty. Rocky Balisong ang dumating sa pagdinig.
Katwiran naman ni Balisong, mali ang subpoena na tinanggap nito para kanyang kliyente dahil "Soriano" ang nakalagay na middle name ni Bantag sa naturang dokumento.
Aniya, ang pangalan ng kanyang kliyente ay Gerald "Quitaleg" Bantag at hindi Gerald "Soriano" Bantag.
“It is fatal because it refers to 2 different individuals. Definitely Gerald Bantag y Soriano is not our client. It is Gerald Bantag y Quitaleg,” paglilinaw ni Balisong.
“We just noted it na talagang pati 'yung sinerve sa Caloocan ganoon din. So we have to manifest it today,” lahad ng abogado.
Nilinaw din ni Balisong na "ito na ang tamang panahon at lugar" upang matalakay ang maling middle name ng kliyente nito na nauna na niyang napansin nang tanggapin niya ito kamakailan.
Nangako naman siSenior Assistant State Prosecutor Charlie Guhit did na aayusin nila ang problema upang hindi na maulit ang insidente.
Sa nasabing pagdinig, pinayagan ng mga prosecutor na palawigin pa ang panahon ng pagsusumite ng counter-affidavit ng kampo ni Bantag.
Hindi sumipot sa preliminary investigation ang isa sa itinuturong mastermind na sa pagpatay kay Lapid na si dating National Bilibid Prison Supt. Ricardo Zulueta na sinasabing matagal nang nagtatago kaugnay sa kinakaharap na kaso.
Jeffrey Damicog