Kamakailan lamang ay naibalita ang magarbong debut party ng anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan Agoncillo para sa ika-18 kaarawan nito noong Nobyembre 20.

Siyempre pa, hindi mawawala sa listahan ng VIP guests ang mag-asawang Megastar Sharon Cuneta at dating Senador Atty, Kiko Pangilinan, na isa sa malalapit na kaibigan ni Juday, at tila magkapatid na nga ang turingan sa isa't isa.

Kitang-kita ito sa mga litrato nila sa Instagram post na ibinahagi ni Mega kung saan halos magkapalitan na sila ng mukha.

"Pinakamamahal na kapatid at kaibigan habangbuhay at hanggang kabilang buhay!," caption ng Megastar sa kaniyang Instagram post kalakip ang mga litrato nila ni Juday.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Magkapatid nga!"

"Ang gagandaaaaaa!!!"

"The sweetest!"

"Ang cute n'yo pooo!!!"

"To have a friendship like this is a goal!"

"Icons!"

Nagsimula ang matibay na pagkakaibigan ng dalawa nang magkasama sa pelikulang "Magkapatid" noong 2002 kasama sina Christopher De Leon at Dingdong Dantes.