Pinatalsik na sa political party ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.ang dating executive secretary na si VicRodriguez.

"Rodriguez was expelled from the PFP for his incompetence as a public servant, conduct inimical to the interests of the party, abuse and breach of trust and confidence reposed on him by the President and the party, abandonment and disloyalty," ayon sa desisyon ngPartido Federal ng Pilipinas (PFP) na may petsang Nobyembre 11 at inilabas sa telebisyon nitong Martes.

Kaugnay nito, itinalaga naman ng partido siSpecial Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo bilang bagong Executive Vice President.

"The decision stated that the President will not leave the PFP and join another party, but instead will strengthen the party," pahayag ng partido.

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes

Paliwanag din ng partido, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga opisyal ng PFP na naka-base sa (BARMM)Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao dahil sa umano'y korapsyon sa presidential appointments.

"The decision found that no single original PFP official, coming from the party of the President, was recommended by Rodriguez to be appointed to any position in this administration, notwithstanding that he is the Executive Secretary or “Little President” thru whom all appointments passthru. Hence, the party found no useful purpose to maintain its associationwith respondent," depensa ng partido.

Nitong Setyembre, inanunsyo ni Rodriguez ang pagbibitiw sa puwesto bilang executive secretary.

Si Rodriguezay matagal nang naging abogado at tagapagsalita ni Marcos.

Isinagawa ni Rodriguez ang pagbibitiw matapos masangkot sa kautusang umangkat ng asukal.

Binanggit ngMalacañang, illegal ang kautusang mag-import ng asukal dahil sa kawalan ng goi-signal ni Marcos na tumatayo ring secretary ng Department of Agriculture (DA).