Ipinasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6069 o ang "Philippine Indigenous and Traditional Writing Systems Act" noong Martes, Nobyembre 22.

Isinulong ng TINGOG Partylist representative na sina Yedda Romualdez at Jude Acidre upang pangalagaan at buhayin ang indigenous at traditional writing systems ng Pilipinas kung saan kasama ito sa kultura at kasaysayan ng bansa.

Kapag ito ay naging ganap na batas, ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang aaksyon bilang pangunahing ahensiya na maghahayag ng mga patakaran sa promosyon ng ganitong writing systems.

Bukod dito, ang NCCA ay inaatasang makipag-ugnayan sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) para sa kaukulang ayudang-teknikal hinggil sa development ng mga lengguwahe sa Pilipinas at pagsusulat.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina