Isang senior citizen ang binaril hanggang sa mapatay sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa Barangay Baesa, Quezon City noong Martes ng gabi, Nob. 22.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Daniel Duque Guilao o kilala rin bilang “Putol,” 63, at residente ng Barangay Baesa, Quezon City.
Sa inisyal na ulat, nasa loob ng kanyang bahay si Guilao dakong alas-4:20 ng hapon nang pumasok ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek at paulit-ulit na pinagbabaril ang biktima.
Tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo patungo sa hindi natukoy na lokasyon.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo ang biktima na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Sinabi ng mga awtoridad na isang concerned citizen ang nag-ulat ng insidente sa mga opisyal ng barangay at pulisya.
Ang mga nakolektang ebidensya sa pinangyarihan ay limang cartridge case at dalawang deformed fired bullet.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga miyembro ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang insidente.
Jaleen Ramos