Lumabas na ang opisyal na trailer ng pelikulang "Nanahimik ang Gabi" na opisyal na kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival, na unang pagtatambal nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo, na talaga namang usap-usapan ng mga netizen dahil sa maiinit na patikim nitong eksena.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Gaganap si Heaven bilang "kabetchina" ni Ian sa naturang pelikula, na siya namang "sugar daddy".

Paglilinaw naman ni Ian sa mga nais "sabunutan" si Heaven dahil sa pagkahaba-haba ng hair, trabaho lamang daw ito at walang personalan. Ginawa lamang daw nila ang maiinit na eksena dahil ito ang nakalagay sa script at ganito ang itinatakbo ng istorya. Kaya naman, walang dapat ikabahala ang kaniyang misis na si Pam Gallardo.

Isa si Ian sa mga patuloy na kinakikiligan at hinahangaang leading man sa kasalukuyan, dahil bukod sa pagiging guwapong artista, mapapasaludo ka talaga sa kaniyang pananaw tungkol sa pagiging babaero.

Aniya sa isang panayam, aminado naman siyang hindi umano perpekto ang kanilang relasyon ng misis kahit 25 taon na silang nagsasama. May mga hindi rin sila pagkakaunawaan kagaya ng isang tipikal na couple subalit kaagad namang naaayos.

Maipagmamalaki rin daw ni Ian na nagawa niyang lumayo sa tukso, lalo't talamak ito sa industriyang kinabibilangan niya; plus, ang mga kagaya ni Papa Ian ay talaga namang lapitin dahil sa angkin nitong kaguwapuhan at karisma.

Aniya, wala naman daw siyang mapapala kung magpapadarang siya sa mga temptasyon. Iyan din ang payo niya sa kaniyang anak na lalaki.

“For example, I think it went viral, kunwari a conversation with my son, sinabi ko na, 'Madaling maging babaero, madaling mambabae. Pero kapag nahanap mo ’yung para sa’yo, it takes a real man to be faithful in a relationship. There's nothing cool about being babaero,’”lagi raw sinasabi at pinapaalala ni Ian sa kaniyang anak.

Kaya naman, napa-sana all na lamang ang mga netizen sa mga tinuran ni Ian. Habang ang ibang lalaki raw na di naman kaguwapuhan ay nagagawa pang mangaliwa at humanap ng iba, ang mga kagaya raw ni Ian ang tunay na goals at lodi.