Nakamit na rin ng pamilya ng dalawang teenager na napatay sa drug war campaign ng gobyerno, ang hustisya matapos hatulan ng korte na makulongang isa sa dalawang pulis kaugnay sa pag-torture at pagtatanim ng ebidensya sa mga biktima noong 2017.

Sa desisyon ng Caloocan City Regional Trial Court Branch122, napatunayan nito na nagkasala si PO1JefreyPerez sa pag-torture kina Carl Angelo Arnaiz, 19, at Reynaldo de Guzman, 14.

Iniutos ng korte na makulong si Perez ng hanggang apat na taon sa kasong paglabag sa Republic Act 9745 dahil sa pag-torture kay Perez at reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakapiit dahil din sa pag-torture kay De Guzman.

Bukod dito, hinatulan din si Perez ng dalawang life imprisonment dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kaugnay sa pagtatanim ng illegal drugs bilang ebidensya kina Arnaiz at Perez, at isa pang reclusion perpetua para sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law and Firearms and Ammunition) dahil din sapagtatanim ng baril bilang ng ebidensya kay Arnaiz.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Ipinag-utos din ng korte na magbayad si Perez ng P2 milyongexemplary at moral damages sa pamilya nina Arnaiz at De Guzman.

Sa rekord ng kaso, inakusahan si Perez at kasamang pulis na si PO1 Ricky Arquilita ng pagpapahirap sa dalawang biktima, katulad ng pambubugbog, bago paslangin ang mga ito, noong 2017.

Tinaniman din nina Perez at Arquilita ng dahon ng marijuana ang bulsa ni Arnaiz, at nilagyan din ng shabu ang kanyang backpack, bukod pa ang itinanim na mga bala malapit sa kanyang bangkay upang palabasing napatay ito sa sagupaan.

Si Arnaiz ay napatay ng mga pulis-Caloocan matapos umanong holdapin ang isang taxi-driver noong Agosto 18, 2017.

Natagpuan naman ang bangkay ng kasamang si De Guzman sa isang bakanteng lugar sa Gapan, Nueva Ecija na tadtad ng saksak ng patalim at binalot din ng packaging tape ang ulo nito.

Ibinasura naman ng hukuman ang kaso laban kay Arquilita matapos bawian ng buhay sa panahon ng paglilitis sa kaso nito.