Isang karangalan kay Senior Deputy Speaker at Pampanga 2nd district Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na matulungan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Sa isang panayam sa mga mamamahayag nitong Miyerkules sa House of Representatives, kinuhaan siya ng reaksyon hinggil sa pahayag ni Marcos na siya ang "secret weapon" nito sa naganap na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand, kamakailan. 

"I'm very flattered," ani Arroyo. "Anything I can do to help is an honor for me."

Nangyari ang pahayag na ito sa "Garage sale for a cause 3" charity bazaar na kung saan umikot ang senior deputy speaker sa mga stalls at nakipag-usap sa mga may-ari nito. 

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nagkataon din na nag-donate si Arroyo ng kaniyang mga preloved Filipinianas sa nasabing bazaar. Ang malilikom na pera ay gagamiting pondo ng Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI)-- na nag-organisa rin ng event.

Ellson Quismorio