Parang kailan lang nang unang masaksihan ng publiko ang 10-anyos lang na si Lyca Gairanod sa unang season ng The Voice Kids Philippines.

Ngayon, isa nang ganap na dalaga ang young singer na nagdiwang nga ng kaniyang debut nitong Lunes, Nob. 21 at sabay-sabay pang inalala ng publiko.

Basahin: ‘Oh my God!’ Mga netizen, abangers na sa bday nina Lyca Gairanod, Karen Davila – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kaniyang Facebook post, Martes, ibinahagi ni Lyca ang mga larawan sa kaniyang birthday shoot.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Glowing, at fresh ang young singer sa mga larawang agad na nag-viral online.

Binati at nagpaabot ng well-wishes ang kaniyang fans online sa tila hindi namalayang pagdadalaga na ngayon The Voice champ.

Basahin: ‘She’s a real artist’ The Voice Kids champ Lyca Gairanod, nagningning sa Wish Awards – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Makalipas ang maraming walong taon, ang young singer ay nakilala na rin bilang content creator sa kaniyang matagumpay na vlogging venture.

Sa kaliwa’t kanang viral contents, nasa mahigit 91 million na ang lifetime views ni Lyca sa YouTube pa lang, sa pag-uulat.

Patunay lamang ito sa ‘di pa ring matatawarang ningning ng dating child star sa kabila ng kaniyang limitadong TV appearance.

Sa edad na 10, si Lyca ang kauna-unahang itinanghal na The Voice Kids Grand Champion noong 2014.