Isang linggo bago ang huling buwan ng taon, matatandaan ang maagang pamaskong hatid ng gobyerno sa mas pinalawig nitong libreng sakay sa Edsa Bus Carousel.

Ito ang anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) noong Nob. 15 na orihinal sanang ipatutupad pagsapit lang ng Dis. 15 hanggang 31.

Basahin: 24 hours na! Free rides sa EDSA Bus Carousel, ipatutupad sa Dec.15-31 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasunod ng pagbabago, libre na anong oras man pipiliing sumakay ng mga komyuter sa naturang busway. Ito'y kasabay sa inaasahang dagsa ng mga komyuter sa gitna ng kaliwa't kanang pagtitipon ngayong Kapaskuhan.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bago nito, ang libreng sakay ay epektibo lang mula ika-4 ng umaga hanggang ika-11 ng gabi.

"Ang inisyatibong ito ngDOTratLTFRBay paraan upang siguruhin na may masasakyan ang lahat ng ating mga pasaherobeyond the usual operating hourssaEDSA Busway," ani Transportation Secretary Jaime Bautista.

"Bukod sa hindi na nila kailangang isipin ang pamasahe, makasisiguro rin sila na mabilis ang kanilang magiging pagbyahe," dagdag niya.

Mula Monumento sa Caloocan City, ang EDSA Bus Carousel ay mayroong 18 istasyon patungong Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Unang ipinatupad noong kasagsagan ng pandemya sa bansa, ang libreng sakay ay orihinal na inisyatiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.