Itinalaga ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) special Assistant to the President Secretary Anton Lagdameo bilang bagong executive vice president ng partido.

Ito ay matapos ng partido ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang hanay si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez.

BASAHIN: Dating Executive Secretary Vic Rodriguez, pinatalsik sa political party ni Marcos

Sa isang pahayag ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Si Rodriguez ay tinanggal bilang miyembro ng partido sa isang desisyon na may petsang Nobyembre 11.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Matapang na sinabi ng partido na pinatalksik nila si Rodriguez dahil sa “incompetence” nito bilang public servant.

“Rodriguez was expelled from the PFP for his incompetence as a public servant, conduct inimical to the interests of the party, abuse and breach of trust and confidence reposed on him by the President and the party, abandonment and disloyalty,” pahayag ng PFP.

“The decision found that no single original PFP official, coming from the party of the President, was recommended by Rodriguez to be appointed to any position in this administration, notwithstanding that he is the Executive Secretary or “Little President” thru whom all appointments pass thru. Hence, the party found no useful purpose to maintain its association with respondent,” dagdag pa ng partido.

Sinabi ng partido na hindi nakibahagi si PBBM sa desisyon na patalsikin si Rodriguez, ngunit ipinaalam na walang pagtutol ang pangulo sa desisyon.

Samantala, naniniwala si Rodriguez na ang kanyang katapatan sa PFP ay nagtatapos kung saan nagsisimula ang interes ng 31.6 milyong Pilipino na naniwala kay Marcos noong kampanya.

“I could not, in conscience, during my time as executive secretary, let a non-qualified applicant be appointed to the administration of PBBM simply because he or she is a member of PFP,” pahayag ni Rodriguez.