Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Korean television, ang “The King’s Affection” ay nakapag-uwi ng International Emmy Awards.

Ito ang inanunsyo ng prestihiyusong pagkilala sa kanilang ika-50 taon nitong Martes, Nob. 22.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

https://twitter.com/iemmys/status/1594879269167108097?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1594879269167108097%7Ctwgr%5Ed6f542ebd168106b2c4072ca2479b1972efc2670%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.gmanetwork.com%2Fnews%2Fshowbiz%2Fshowbizabroad%2F852235%2Fthe-king-s-affection-makes-historic-win-at-the-international-emmy-awards%2Fstory%2F

Matatandaang pinagbidahan nina Park Eun Bin at Rowoon ang ngayo’y Emmy-winning series sa ilalim ng “telenovela category.”

Umere ang “The King’s Affection” sa South Korea at natunghayan ng buong mundo sa streaming giant na Netflix noong Okt. Hanggang Dis. 2021.

Dito nasubaybayan ang kuwento ng isang kambal na babae na nagpanggap bilang Crown Prince kapalit ng nasawing kapatid.

Ang South Korean drama ay isinulat ni Han Hee Jung.

Tinalo ng materyal ang mga katunggali nitong palabas kabilang ang “Nos Tempos Do Imperador” ng Brazil, “Two Lives” ng Spain, at “You Are My Hero” ng China.

Kamakailan lang, tinanghal ding most voted bilang best historical K-drama of all time ng Kpopmap readers ang “The King’s Affection.”

"Filled with every element that many find interesting about historical dramas, political unrest, a quest for power, and love amidst troubling times this series is a fan favorite till date as with 48.4% (61,547) of the total votes, it ranks 1st on the poll," anang Kpopmap.