Ito ang nananatiling hamon ng vlogger, aktres at singer na si Donnalyn Bartolome sa online personality na si Xian Gaza kasunod pa rin ng isyu kaugnay ng isang kontrobersyal na pahayag ukol sa kababaihang nasa premium clubs.

Basahin: Donnalyn, hinamon, binuweltahan si Xian Gaza kasunod ng pahayag sa mga babaeng nasa VIP club – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang pinalagan ng vlogger-actress ang mahabang Facebook post ni Xian.

Mula Linggo, hinihingi na rin ni Donnalyn ang detalye ng bank account ni Xian sa hamon ngang siya na mismo ang magbayad sa bill ng online personality sa isang yayamaning club sa Singapore.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Basahin: ‘Send bank account’: Donnalyn, handang bayaran ang P195K bill ni Xian Gaza sa isang VIP club – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Patuloy namang tumangging tumalima ni Xian na siya rin mismo ang unang kumagat sa hamon ng vlogger na i-reimburse ang ginastang halaga.

“Ano na friend? Baka sabihin nila scripted eh,” panibagong hirit ni Donnalyn nitong Martes ng kagabi kalakip ang larawan ng isang Marie hawak ang cash na tila ilalaan nga kay Xian.

Sa burado nang shared post ng online personality, nauna na nitong sinabing wala siyang intensyong tanggapin ang libu-libong halaga kay Donnalyn sa kadahilanang lalabas siyang “hampaslupa.”

Aminado naman ang kontrobersyal na si Xian na “triggered posting for virality purposes” ang viral na pahayag na nagpapalagay na bawat babae sa isang VIP club, mayroon isang "sugar daddy."

“Ige-generalize mo yung buong sektor para ma-trigger ang lahat at mag-trending yung post mo. Very effective. Kumagat si Donna and I love it. Mission accomplished,” dagdag niya.

Sa pag-uulat, wala pa ring tugon si Xian Gaza sa muling paghamon ni Donnalyn.

Kasalukukuyan agad tumabo sa mahigit 71,000 ang social media post ng online star.