Epektibo agad sa darating na Miss Supranational 2023 competition ang pagbabago sa age limit ng mga kwalipikadong kandidata na dati ay hanggang 28-anyos lang.

Ito ang inanunsyo ng isa sa Big 5 pageant brand nitong Lunes matapos ang konsultasyon sa kanilang national license holders.

Dahil dito, maaari nang sumabak sa kompetisyon ang mga kababaihang edad 18- hanggang 32-anyos.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Gayunpaman, iiwan pa rin ng international brand ang pasya sa national organization kung tatalima rin sa pagbabagong ito o hindi.

Sa Pilipinas, ang Miss World Philippines competition ang may hawak ng lisensya ng Miss Supranational Philippines.

Para sa male title ng parehong pageant brand, tinaas din sa edad 34-anyos ang mga kwalipikadong delegada.

Hindi naman nabago ang kondisyong dapat hindi pa nakapangasawa o wala pang anak ang parehong Miss and Mister Supranational hopefuls.

Taliwas naman ito sa nabagong patakaran ng Miss Universe kamakailan kung saan binuksan ang kompetisyon maging sa mga ina, may anak, o may asawang delegada.

Basahin: Miss Universe, bubuksan na maging sa kababaihang buntis, may anak, asawa – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Supranational title ay kahanay ng apat pang naglalakihang pageant brands kabilang ang Miss International, Miss Earth, Miss World at Miss Universe.