Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga career executive service officer at eligible sa bansa na maging mapagbantay sa mga katiwalian habang sinusubukan nilang muling hubugin ang burukrasya.

Sa kaniyang talumpati sa ika-49 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Career Executive Service Board (CESB) at 2022 Career Executive Service Lifelong Learning para sa Leadership Congress nitong Martes, Nob. 22, hinimok ni Marcos ang mga ehekutibo ng gobyerno na tulungan siyang muling likhain ang burukrasya at aktibong makibahagi sa pagtataguyod ng 8-point socioeconomic agenda ng administrasyon.

Ang 8-point socioeconomic agenda ay nagsasangkot ng "mga patakarang nagtataguyod ng katarungang panlipunan, nagtitiyak ng seguridad sa pagkain, nagpapabilis ng pag-unlad, nagpoprotekta sa ating kapaligiran at tumutugon sa climate change."

Pagkatapos ay itinuro niya ang pangangailangan na manatiling mapagbantay sa "mga tukso at katiwalian" sa gobyerno.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Remember that we are here not for our own gain. We are here to bring forth a government that provides for the needs of the people,” aniya, na idiniin na ang “welfare of the people and the improvement of our lives is of utmost importance.”

“Most importantly, let us be vigilant against temptation and corruption and other acts that diminish the public trust,” pagpapatuloy niya.

Tiniyak din ng punong ehekutibo ang mga opisyal ng gobyerno na isasagawa ang pagsusuri sa Memorandum Circular No. 3, serye ng 2022, na nakakaapekto sa CESB.

“Let me assure our Career Executive Service Board and the affected CESEs occupying third-level positions in the government that the Office of the President is going to review the said memorandum, and look into the other hurdles faced by many CESEs (career executive service eligibles) in obtaining CES eligibility,” anang Pangulo.

Hinamon din niya sila na matuto sa isa't isa at gamitin ang napakahalagang pag-aaral at pinakamahuhusay na kagawian na itinampok sa kongreso tungo sa pagbabago.

Betheena Unite