Nais ni P3PWD Party-list Rep. Rowena Guanzon na ipaliwanag ng Department of Education (DepEd) kung saan ginamit ng ahensya ang budget nito sa special education o SPED programs para sa 2022.
Ito, matapos i-claim ni Guanzon sa Twitter na ang DepEd ay “gumastos lang ng 1.13 [porsiyento] ng SPED budget ngayong 2022 as of Sept[ember]”.
“Now that SPED will have 581M for 2023 our PWD (persons with disabilities) network should ask DepEd where they spend this budget,” anang dating Commission on Elections (Comelec) commissioner.
Ang P581 milyon na tinutukoy ni Guanzon ay ang halagang inilaan ng Senado para sa mga programa ng SPED sa susunod na taon sa deliberasyon ng mataas na kamara sa P5.268-trillion General Appropriations Bill (GAB) o proposed national budget para sa 2023.
“All SPED schools should have a therapy room,” iminungkahi din ni Guanzon sa isang kasunod na tweet.
Ang budget ng DepEd para sa SPED para sa 2022 ay P560 milyon. Ang ahensya ay pinamumunuan ng kalihim ng edukasyon at Vice President Sara Duterte.
Ang DepEd figures ay nagpakita na mayroong 126,598 learners with disabilities noong school year 2021 hanggang 2022. Ito ay isang uptick mula sa 111,521 learners with disabilities na naitala noong school year 2020 hanggang 2021.
Naging pangunahing pinag-uusapan ang budget para sa SPED sa mga talakayan ng GAB sa mababang kamara o House of Representatives noong Setyembre matapos malaman na hindi naglaan ng pondo ang Department of Budget and Management (DBM) para dito para sa 2023.
Matapos aprubahan ang GAB sa ikatlo at huling pagbasa noong Setyembre 30, inihayag ng pamunuan ng Kamara ang mga institutional amendments sa budget bill na magre-realign ng P581 milyon sa DepEd para sa layunin ng SPED.
Ang parehong halaga ay kalaunan ay inihayag ng Senado bilang bahagi ng kanilang bersyon ng GAB.
Ellson Quismorio