Magbabalik live stage si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kaniyang “Solo” concert sa Pebrero 2023.

Sa apat na araw na concert mula Peb. 17-18, 24-25, muling ipamamalas ni Songbird ang wala pa ring kupas na talento ilang dekada na sa kaniyang showbiz career.

Ito ang inanunsyo ng Pinay icon na kauna-unahang ding OPM solo artist na magtatanghal sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati.

Musika at Kanta

SB19, tampok sa sikat na YouTube channel sa Japan

Pangungunahan ng stage director na si Paolo Valenciano at musical director na si Raul Mitra ang brand new musical treat ni Songbird.

Nagkakahalaga naman mula 2,800 hanggang 11,200 ang ticket prices ng concert.

Basahin: Unang leg ng ‘Iconic’ concert nina Sharon at Regine sa Amerika, jampacked! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matapos ang “Iconic” US tour kasama si Megastar Sharon Cuneta ngayong taon, ang “Solo” ang unang live solo comeback concert ni Songbird matapos ang halos tatlong taong Covid-19 pandemic.

Ngayon pa lang, excited na ang fans para sa muling pasabog ng Pinay diva.