Nagpahayag si Senador Risa Hontiveros hinggil sa nasayang na ₱15.6 bilyong halaga ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

"The fact remains na pataas ng pataas pa din ang rate of vaccine wastage. There is a steady trend of waste which means that efforts to curb it have been ineffective so far. Even if the WHO adjusted the threshold, we cannot afford the cost," saad ni Hontiveros nitong Lunes, Nobyembre 21.

Nauna nang naiulat na nasa 24 milyong Covid-19 shots ang nag-expire ang shelf life habang ang natitirang pitong milyon ay hindi napakinabangan dahil sa temperature excursion, nabuksan na at hindi na ginamit.

“This 31 million po ‘pag tinignan po natin ‘yung kabuuan, almost 70 percent po dito ay ‘yun pong na-procure ng private sector at saka ng local governments,” pahayag ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang mga naunang bakuna aniya nadumating sa bansa ay expired na dahil anim na buwan lang ang itinatagal nito. Isa rin aniya sa rason ng pagkasira ng bakuna ay ang pagdadalawang-isip ng mga Pinoy na magpabakuna.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/21/%e2%82%b115-6b-covid-19-vaccine-nasayang-lang-vergeire/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/21/%e2%82%b115-6b-covid-19-vaccine-nasayang-lang-vergeire/

"Wala tayong luxury na magtapon ng mas mataas pa sa P15.6 bilyon sa kaliwa't kanang krisis at demand for funding of equally important government programs," saad pa ni Hontiveros.

Hinikayat din ng senador ang DOH na gawin ang kanilang makakaya para maiwasan ang pagkasayang ng mga bakuna.

Binanggit ni Hontiveros na dapat mag-step in ang presidentemaging ang gabinete nito upang mas mapalakas ang vaccination program.

"The DOH knows the drivers of vaccine wastage, and I trust they can increase their efforts to reduce the wastage. More importantly, the President and entire cabinet should step in to ensure an accelerated vaccination program," aniya.

"After all, their policies create the public perception that the pandemic is over kaya mas nakakampante ang mga kababayan nating huwag magpabakuna at magpa-booster," dagdag pa ng senador.