Bumisita na si United States Vice President Kamala Harris sa Malacañang kung saan nakipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Lunes, Nobyembre 21.

Sa pagpupulong nina Harris at Marcos, pinagtibay pa ng mga ito ang matagal na panahong relasyon ng dalawang bansa.

Tiniyak naman ni Harris na makakaasa ang bansa ng mahigpit na seguridad sa Asia-Pacific region, partikular na sa South China Sea.

Nanindigan din si Harris na susuporta ito sa Pilipinas at gagamitin nito ang US mutual defense commitment sakaling magkaroon ng paglusob laban sa militar ng bansa, gayundin sa mga barko at eroplano nito.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

"We must reiterate always that we stand with you in defense, in international rules and norms in the South China Sea," sabi ni Harris kay Marcos.

"When we think about what is happening in this region, we know that there are so many opportunities for us to strengthen our relationship. But the basis of our relationship is based on mutual commitments to international rules and norms and upholding those in all the ways that we know," banggit ng bise presidente ng Amerika.

Nilinaw naman ni Marcos na ang pagbisita ni Harris sa bansa ay sumasagisag na "nananatili pa ring matatag ang relasyon ng U.S. at ng Pilipinas."

"The situation is rapidly changing. We must evolve to be properly responsive to that situation, so it's very important that wecouldcontinue to progress and strengthen as we define those relationships," sabi pa ng Pangulo.