Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pormal nang pagbubukas ng bagong Manila Zoo sa publiko nitong Lunes, Nobyembre 21.

Dakong alas-9:00 ng umaga nang salubungin ni Lacuna ang mga unang bisita ng Manila Zoo.

Sa Balitaan sa Harbor View ng Manila City Hall Reporters' Association (Machra) nitong Lunes, sinabi ni Lacuna na kabilang sa mga unang bumisita sa Manila Zoo ay isang tatay na mula sa Davao City.

Mayroon din aniyang isang tatay na mula sa Baguio City na ipinasyal ang kanyang anak sa Manila Zoo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

May isa ring taga-Bulacan ang dumayo pa sa Maynila upang makita ang Manila Zoo sa unang araw nang pagbubukas nito.

Kasabay nito, nagpaliwanag rin ang alkalde hinggil sa kinukwestiyong pagdaragdag ng bayad para sa entrance fee ng Manila Zoo.

Ayon kay Lacuna, hindi mahal ang singil nila sa pagpasok sa Manila Zoo.

"Napakababa na nun kasi sa iba P600, P500 e baka kung napakababa ay ma-COA naman kami, ayon yun sa batas," anang alkalde.

Tiniyak rin ni Lacuna na sulit ang ibabayad sa Manila Zoo dahil sa mas maganda na ito at mas maraming atraksyon pang makikita.