Ipatutupad na sa Martes, Nobyembre 22, ang bawas-presyo sa produktong petrolyo sa bansa.

Itinakda ng Caltex ang tapyas na₱2.15 sa presyo ng kada litro ng diesel,₱0.40 naman ang ibabawas sa presyo ng bawat litro ng gasolina at₱2.10 naman ang iro-rollback sa presyo ng kada litro ng kanilang kerosene.

Kahalintulad na hakbang din ang ipatutupad ng Shell at Seaoil.

Ipaiiraldin ng Cleanfuel, Petro Gazz at PTT Philippines ang bawas na₱2.15 sa presyo ng bawat litro ng diesel at₱0.40 naman sa gasolina.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Nauna nang inihayagng Department of Energy (DOE) na resulta lang ito ng mahinang demand ng top oil importer na China sa gitna ng tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019.