Nauwi sa burol at pagluluksa ang isang masayang birthday celebration at gender reveal party ng isang pamilya matapos na malunod ang isang dalagita habang naliligo sa swimming pool sa Taytay, Rizal, Linggo ng gabi.

Dead on arrival sa Angono Medics Hospital ang biktimang nakilalang si Samantha Nicole Azarcon, 13, at residente ng Antipolo City.

Lumilitaw sa ulat ng Taytay Municipal Police Station na dakong alas-6:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa clubhouse ng isang subdibisyon sa Brgy. San Juan, sa Taytay.

Sa salaysay ng pamilya ng biktima sa pulisya, nabatid na bago ang insidente ay nagtungo sila sa naturang lugar para sa isang birthday celebration at gender reveal party.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Gayunman, sa kasagsagan ng kasayahan ay napuna na lamang umano ng pinsan ng biktima na nalulunod na ito.

Kaagad nilang sinagip at iniahon ang biktima at isinugod sa naturang pagamutan ngunit hindi na rin umabot pa ng buhay.