Ilang alagang aso at pusa ang nasawi sa sunog na sumiklab sa isang commercial building sa Paco, Manila noong Linggo ng gabi, Nob. 20.

Tumama ang sunog sa isang commercial building sa A. Linao Street sa distrito ng Paco dakong alas-10 ng gabi, Linggo. Itinaas sa second alarm ang sunog, alas-10:52 ng gabi.

Si Cristeta Ong, may-ari ng nasunog na sari-sari store, ay natutulog sa ikalawang palapag ng gusali nang magising siya sa amoy ng usok, ayon sa ulat ng ABS CBN News.

Agad siyang humingi ng tulong at sinubukang lumabas sa bintana ng nasabing gusali.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tinulungan ng tricycle driver si Ong na makalabas.

Habang nakalabas si Ong, sa kasamaang palad, hindi niya nailigtas ang kanyang tatlong aso at pitong pusa na nakulong sa gusali, dagdag ng ulat.

Nakontrol ang sunog alas-11:23 ng gabi at kalauna'y idineklarang fire out alas-11:39 ng gabi.

Inaalam pa ng Bureau of Fire and Protection (BFP) ang sanhi ng sunog at kung gaano kalaki ang pinsala nito.

Jaleen Ramos