Aabot sa ₱15.6 bilyong halaga ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang nasayang lang, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Sinabi ni Vergeire, nasa 24 milyong Covid-19 shots ang nag-expire ang shelf life habang ang natitirang pitong milyon ay hindi napakinabangan dahil sa temperature excursion, nabuksan na at hindi na ginamit.

"This 31 million po 'pag tinignan po natin 'yung kabuuan, almost 70 percent po dito ay 'yun pong na-procure ng private sector at saka ng local governments," pahayag ni Vergeire.

Ang mga naunang bakuna aniya na dumating sa bansa ay expired na dahil anim na buwan lang ang itinatagal nito.

National

PBBM sa WPS: 'Ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay atin!'

Isa rin aniya sa rason ng pagkasira ng bakuna ay ang pagdadalawang-isip ng mga Pinoy na magpabakuna.

Sa datos ng DOH nitong Nobyembre 17, umabot na sa 73.6 milyon ang bakunado na laban sa sakit.