Dumating na sa bansa si United States Vice President Kamala Harris para sa tatlong araw na pagbisita nito sa Pilipinas.
Dakong 6:52 ng gabi nang lumapag saNinoy Aquino International Airport (NAIA) ang official plane ni Harris na Air Force Two.
Si Harris ay galing ng Bangkok sa Thailand kung saan siya dumalo sa idinaos na 29th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit kamakailan.
Sinamahan siya ng asawang siSecond Gentleman Douglas Emhoff.
Sumalubong kay Harris sinaU.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson at Deputy Chief of Mission Heather Variava.
Kabilang din sa nag-abang sa kanya sa airport sinaPhilippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, chief of presidential protocol Adelio Cruz, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Pasay Rep.
Nakatakda ring makipagkita si Harris kay Vice President Sara Duterte sa Lunes bago ang pakikipagpulong nito kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Malacañang.
Magtutungosi Harris sa Puerto Princesa sa Palawan sa Martes upang makipagpulongsa mga residente at sa mga opisyal ng Philippine Coast Guard.
Kamakailan, sinabi ni Harris na ang pagbisita nito sa Palawan ay pagpapakitang pagsuporta ng administrasyon ni Pangulong Joe Biden sa international law-based maritime order sa pinag-aagawangSouth China Sea.
Nauna nang tiniyak ni Marcos na hindi makaaapektosa relasyon ng Pilipinas at China ang pagbisita ni Harris sa Palawan, na kalapit lang ng nasabing karagatang sinasakopng China.