Papalag ang vlogger-singer na si Donnalyn Bartolome sa naunang hamon kay Xian Gaza na siya ang magbayad ng bill nito kasunod ng malisyuso umanong Facebook post ng online personality.

“No offense Gaza pero wag mo lahatin, merong mga babaeng kayang magbayad ng VIP table kahit san mo pa siya dalhin. Nasaan ka ba at ako pagbayarin mo sa VIP table—club of your choicem,” mababasa sa bahagi ng viral shared post ni Donnalyn matapos ipagpalagay ni Xian na bawat online story umano ng kababaihan sa VIP table ng isang premium club, may nakatagong sugar daddy.

Hindi ito nagustuhan ng online star na binuweltahan nga sa isang mahabang pahayag.

Basahin: Donnalyn, hinamon, binuweltahan si Xian Gaza kasunod ng pahayag sa mga babaeng nasa VIP club – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa sumunod na Facebook ni Xian, sunod na ibinahagi nito ang resibo sa pinuntahang VIP club sa Singapore, kalakip ang resibo na nagkakahalaga ng tumataginting na P195,000.

“Paki-reimburse,” anang online personality kay Donnalyn.

“Chat mo sakin bank account mo friend,🤍” pagpalag ni Donnalyn.

Tila pagkambyo na segunda na komento ni Xian, “’Yung P195K, gawin kong TY.”

Hindi naman kumbinsido ang online star sa pakulo ni Xian.

“Chat na friend wag ka na mahiya 🤍 Send bank account na, wire ko agad thank u,🤍” patuloy pa ring pagkasa ni Donnalyn sa kaniyang hamon kay sa online personality.

Umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens ang public bardagulan ng dalawa online.

Kasalukuyan na itong umani ng nasa mahigit 41,000 reactions sa pag-uulat.