Inilunsad ng Department of Health (DOH) sa pangunguna nina OIC-Secretary of Health Maria Rosario Singh-Vergeire at Ilocos Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang Primary Health Care (PHC) Day sa pilgrimage town ng Manaoag, Pangasinan, nabatid nitong Linggo.

Ang PHC ay flagship program ng ahensiya upang makamit ang mga objectives ng Universal Health Care Law.

Ayon kay Vergeire, ang objective ng programa ay madagdagan ang accessibility ng health-care services sa local level, maalis ang financial risk para sa indigent patients sa public health facilities, i-promote ang access sa mga medisina, tugunan ang social determinants sa kalusugan at makapagbigay ng kinakailangang suporta sa mga health-care workers.

“We will be shifting the country’s health system from sick care to preventive health care. Our goal is to keep people well through preventive, promotive, and integrated primary health-care service delivery system that will detect and manage diseases early and addresses it immediately,” ani Vergeire, sa isang pahayag nitong Linggo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Mas malusog na komunidad, mas malayo sa sakit. People-centered-preventive care is the right thing to do and it will also reduce health care costs and save our health system millions which can be used in the improvement of health service services, especially at the local level,” aniya pa.

Nabatid na layunin ng primary health care program na mabigyan ang vulnerable population ng access sa pangangalaga at libreng serbisyo sa mga pampublikong pagamutan.

Ang regional office, katuwang ang kanilang mga DOH retained hospitals, Philhealth, Pangasinan Provincial Health Office at Manaoag local government ay nagsagawa ng medical consultations, family planning, health education at counseling, screening at diagnosis ng communicable at non-communicable diseases, cervical cancer screening, immunization at nutrition checkups para sa mga senior citizens, adults at mga bata, kabilang na ang probisyon ng libreng gamot at bitamina.

Ang Philhealth naman ang nagpasilidad ng pagrerehistro ng mga pasyente na hindi pa naka-enroll.

Sinabi ni Sydiongco na mahalaga ang primary health care sa komunidad dahil ito ang pinakaregular at trusted point of contact sa health system ng isang indibidwal. “It is the foundation of health and wellbeing at every stage in life, capable of delivering quality essential and routine health care services and meeting the majority of people’s health needs.”

“Dito sa region 1, sa pakikipagtulungan ng ating mga LGU, magtatayo po kami ng maraming primary health care facilities upang mapalakas ang pagbibigay ng paunang serbisyo at maitaguyod ang kahalagahan ng pamumuhunan sa kalusugan upang mapangalagaan ang kalusugan ating mga kababayan,” aniya pa. “Napakaimportante po na ang bawat isa ay mabuhay ng malusog at walang inaalalang sakit sa katawan.”

Isang Konsultayo Arangkada Van na may diagnostic equipment rin ang nai-turned-over ng Philippine Business for Social Progress sa regional office na siyang bibisita at maghahatid ng primary care service sa mga remote areas sa iba’t ibang munisipalidad sa Ilocos region.

Ang PHC services sa Manaoag ay idinaraos simula Nobyembre 18 hanggang 29, 2022.