Tiniyak ng Local Water Utilities Administration (LWUA) kay Senator Robinhood Padilla kamakailan na magkakaroon na ng sapat na tubig sa Marawi City sa 2023.

Ayon sa LWUA, sa kabila ng problema sa procurement at site acquisitions, patuloy ang design at construction ng water treatment plant, reservoirs at pipeline, at site development work para sa water intake facilities.

Inaprubahan na rin ng Philippine Army (PA) ang revised site development plan para sa water treatment plant at reservoirs sa loob ng kampo at hinihintay na lang ang pag-apruba ng PA sa draft ng memorandum of agreement.

Noong Oktubre, nadismaya si Padilla dahil hindi pa rin tapos ang pagtitiis ng mga taga-Marawi dahil sa kawalan ng tubig mahigit limang taon matapos ang 2017 Marawi siege, sa kabila ng bilyung-bilyong pisong budget na binigay ng gobyerno.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinuportahan din ni Padilla ang obserbasyon ni Senator Ronald dela Rosa na maaaring samantalahin ang sitwasyon ng mga "extremist" para galitin ang mga taga-Marawi at magkaroon ng "Marawi siege Part 2."