Tinanggap ni Kapuso TV host-trivia master Kuya Kim Atienza ang pasasalamat ng dating co-host sa "It's Showtime" na si Vice Ganda, na naganap sa pagbibigay nito ng mensahe nitong Sabado, Nobyembre 19, kaugnay ng emosyunal na pagkapanalo bilang Grand Champion ng Team Ryan Bang-Jhong Hilario sa taunang segment na "Magpasikat".

Bago magwakas ang show, nakiusap si Vice Ganda na hayaan siyang magpasalamat at huwag sana siyang putulin sa ere, habang may nalalabi pang oras.

Napagtanto raw ni Meme Vice na kaya nanalo sina Ryan-Jhong ay dahil binalikan ng una ang kaniyang pinagmulan---ang pagiging Koreano nito, na siyang minahal ng madlang pipol sa kaniya.

"Binalikan niya kung ano siya. Siya ay Koreano na minamahal ng Pilipinas. At siya ay Koreano na mahal ang Pilipinas. Nang binalikan niya, lalong lumabas ang totoong kagandahan niya bilang tao,” segway ni Vice.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Dito na niya ipinasok ang pasasalamat sa mga taong nakatrabaho noon, at aniya'y nagpasimula talaga ng It's Showtime, gaya ng mga naunang direktor nito na sina Direk Bobet Vidanes, Direk Mel Feliciano, at Direk Boyet.

“Gusto kong magpasalamat at balikan yung pinagmulan natin. Direk Bobet Vidanes, thank you very much. Direk Mel Feliciano, thank you very much. Direk Boyet, thank you very much,” sambit ni Vice.

Sila raw ang mga naunang nagpatulo ng dugo at pawis at nagbuhos ng kanilang pag-iisip upang mabuo ang naturang show, kahit ngayon ay wala na sila roon at nasa ibang shows na at network.

Sunod namang pinasalamatan ni Vice ang mga naging co-hosts nila na sina Billy Crawford, misis nitong si Coleen Garcia, Eruption, Kuya Kim Atienza, at iba pa. Pinasalamatan din ni Vice ang madalas na nakukuhang hurado sa show na si Joey Marquez.

Ayon pa sa komedyante, bago pa man magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanila ay minsan na silang nagsasama-sama, naging masaya at nagmahalan naman sa mahabang panahon, dulot na rin ng naturang show.

“Gusto kong balikan lahat ng masasayang alaala kasi masayang-masaya naman tayong lahat, mahal na mahal natin yung isa’t isa bago tayo hindi nagkaintindihan. Bago tayo nagkasakitan. Bago tayo nagalit sa isa’t isa, nagmahalan tayo,” aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/20/vice-ganda-emosyunal-na-pinasalamatan-sina-direk-bobet-billy-kuya-kim-at-iba-pa/">https://balita.net.ph/2022/11/20/vice-ganda-emosyunal-na-pinasalamatan-sina-direk-bobet-billy-kuya-kim-at-iba-pa/

Sa kaniyang social media post ay inacknowledge naman ni Kuya Kim ang naging mensahe ni Vice sa kanila.

"You're welcome, Vice. We have all moved on and God has put us in our special places we should be. All the best to all of you there on Showtime. God bless you all."

Nilinaw rin ni Kuya Kim ang mga pang-iintriga ng ilan na hindi sila okay ng It's Showtime hosts.

"Di naman nasira. We are all family regardless of network or show," aniya sa isang tweet.

Sinagot din ni Kuya Kim ang bashers na nagsabing bakit kailangan pa raw mag-tweet ni Kuya Kim patungkol dito. "Plastik" daw si Kuya Kim. Bagay na ipinagtanggol naman ng isang tagasuporta.

"Sana nag-isip ka muna bago ka nag-comment ng ganyan! Nag-tweet si Kuya Kim para malaman din ng mga tao na marunong siya magpasalamat kay @vicegandako kasi kung di niya 'yan gagawin iisipin ng mga tao toxic na tulad mo na dedma lang siya. Kaya wag puro kuda mag-isip ka rin! Periodt!"

"Yes, tapos pag private nag-thank you sasabihin ay hindi man lang nagpasalamat, inisnab si Vice. Wehehe, sala sa init, sala sa malamig. In short mema lang ✌️," segunda ng isa pang tagasuporta.

Kinomentuhan naman ito ni Kuya Kim.

"Salamat… May mga taong likas na toxic… hayaan mo na lang baka may pinagdadaanan."

https://twitter.com/kuyakim_atienza/status/1594107499723911168

Ngunit kumuda pa ang basher. Uso naman daw ang DM o o direct message.

"Plastik may DM po lol," anang basher.

"Nag-DM po ba si Vice? Hingang malalim po galaw-galaw," tanging sagot ni Kuya Kim.

https://twitter.com/kuyakim_atienza/status/1594108144820490241

Matatandaang sa unang taon ng "Showtime" ay isa si Kuya Kim sa orihinal na hosts nito, noong hindi pa ito nalilipat sa noontime at nasa 10AM slot pa.