Pumirma na sa "Five Stones" entertainment ang dating "Goin' Bulilit" star na si Kristel Fulgar upang subukin ang kaniyang showbiz career sa South Korea, ayon sa kaniyang update sa latest &t=1016s">vlog.

Sinamahan siya ng kaibigan at CEO ng skincare brand na tinatawag niyang "Big Boss" sa pakikipagkita sa CEO ng Five Stone, na nakitaan naman siya ng potensyal na sumikat sa SoKor dahil pasok naman daw ang byuti ni Kristel sa Korean beauty standards.

Screengrab mula sa YT channel ni Kristel Fulgar

National

Grupo ng simbahan, suportado panawagang imbestigahan ng ICC ang War on Drugs: 'Let justice be served'

Ang naturang entertainment agency na raw ang bahala sa E6 visa o working visa ni Kristel upang makapagtrabaho sa naturang bansa.

Kasabay nito ay mag-aaral pa ng wikang Koreano si Kristel upang mas makaugnay pa siya sa mga lokal doon. Kaya sey niya sa kaniyang fans, huwag daw munang mag-expect dahil kung sa Pilipinas daw ay mahirap nang lumugar sa showbiz, mas lalo pa raw sa Korea.

Sa ngayon ay ineenjoy muna ni Kristel kung anuman ang mga dumarating na development sa kaniyang personal na buhay at career habang nasa SoKor.

Sumikat si Kristel bilang isang Kapamilya, at naging bahagi ng ilang ABS-CBN shows gaya ng "Maria Flordeluna", "Dahil Sa Pag-ibig," "Got to Believe", at "Bagito".