Trending pa rin sa online ang pasabog na collaboration nina SB19 Stell, Zephanie Dimaranan at Janella Salvador sa pagbubukas ng isang streaming platform sa bansa kamakailan.

Matatandaang kinanta ng tatlo ang magkakahiwalay na hit Disney songs kabilang ang “Circle of Life” ng The Lion King, “When You Wish Upon The Star” ng “Pinocchio at “How Far I’ll Go” ng “Moana,” ayon sa pagkakasunod-sunod.

Basahin: ‘A Night of Wonder’ ng Disney+ PH, pinag-uusapan; Stell ng SB19, trending magdamag! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Naging usap-usapan at trending online ang pangmalakasang performance ng tatlo na tila hindi inasahan ng fans.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa kabila ng papuri, ilang netizens naman ang nagpahayag ng pagkadismaya sa hindi pagbibigay kay Stell sa climax at iconic birit na bahagi ng kantang “Into The Unknown.”

Matatandaang kilala sa kaniyang malawak na vocal range si Stell.

Sa huling bahagi kasi ng performance, sanib-puwersa sila Stell, Janella, at Zephanie sa Frozen 2 hit Disney song. Dito, ibinigay ang birit part kay Zephanie na inalalayan naman ni Stell para sa isang pangmalakasang harmony.

Depensa ng certified fan ng SB19 member na si Kakai Bautista, “People…listen!!!!! Sa totoong buhay, mas mahirap yung kalahating notes. I’m happy that he did the middle/low notes on the part.”

Aniya pa, patunay lamang ito na isang versatile performer ang main vocalist ng P-pop powerhouse na kayang mag-adjust ang vocal range kung kinakailangan.

Sunod ding pinuri ng actress-singer ang husay nina Zephanie at Janella.

Sinag-ayunan naman ng maraming fans ang puntong ito ng singer.

“Nice one miss kakai i guess people used to hear stell doing high notes kaya nakukulangan yong ibang listener pero ofcourse that performance was so good at sobrang goosebump pa rin di bah,” komento ng kapwa SB19 fan.

“Korek ka dyan Miss Kakai it's hard talaga to sing low notes kaya till now inaaral ko pa rin siya kase madalas pag mababang notes nagpaflat talaga ako at nahihirapan. Kaya bilib ako sa pagkanta dito ni Stell ang hirap nun knowing mataas ang timbre ngboses niya. I love Stell heavenly voice,” segunda ng isa pa.

“Proof lang yan na sobrang humble and respectful ng amo ko sa mga kasama nyang kumanta💙di kailangang bumirit para sabihing magaling ka kaya solid Ako sa farm at love ko Ang MAHALIMA because of their humbleness💙

“Hindi nya kailngan palaging bumirit. Hindi din para sumapaw lang. Alam naten kung gano kataas ang abot nya pero ibinagay nya sa sitwasyon at nakipag harmonize sya sa mga kasama nya kaya mas maganda ang kinalabasan.💙

“Love their version of the Into the Unknown.. Galing ng blending.. Kahit hindi ako music major pero alam ko kung maganda o hindi ang pagkanta.. Para sa akin tama lang na hindi bumirit si Stell sa kanta para may balance s kanilang tatlo..”

“Sa true ate Kakai Bautista Hindi porke nasanay Tayo sa pagbirit ni kuya Stell Ajero ay laging ganun na lamang Ang eexpect na gagawin niya.. Kuya Stell is a very versatile performer indeed.. Apakagaling ng pagkakablend Ng bawat boses nila Zeph and Janella... 🥰💯

Tatlong araw matapos ibinahagi sa YouTube, nananatiling trending pa rin sa #10 spot ang vocal trio sa pag-uulat.