Ihahatid na ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 2,000 na inabandonang balikbayan box bago sumapit ang Pasko.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni BOC Spokesman Arnaldo dela Torre, Jr. na ang naturang kahun-kahong padala ay nasa bodega ng ahensya sa Howard warehouse compound sa Baranga Tiwala, Borol 1st, Balagtas, Bulacan.

Nilinaw nito na wala silang sisingiling bayad sa paghahatid nila ng mga balikbayan box sa iba't ibang probinsya.

“‘Yun ang pinipilit at pinagdadasal natin na…mai-deliver ito bago mag-Pasko. Mahigit kumulang na lang naman na 2,000 balikbayan boxes na natitira dito sa Balagtas, Bulacan,” aniya.

Eleksyon

EcoWaste Coalition, sa mga kandidatong nawawala pagkatapos ng eleksyon: ‘The least they can do is clean it up’

Sinabi ng ahensya, ang mga nasabing padala na pawang galing sa Middle East ay inabandona lamang ng mga foreign courier services sa BOC ilang buwan na ang nakararaan.

Tiniyak din ng BOC na makikipagtulungan sila sa Department of Migrant Workers (DMW) upang mapanagot ang mga courier services na responsable sa insidente.