Tila hindi nagustuhan ng vlogger-singer na si Donnalyn Bartolome ang isang Facebook post ni Xian Gaza na umano’y nagpapalagay na bawat babaeng nasa VIP table ng isang premium club ay mayroong sugar daddy.

“For every story ng mga babae sa isang VIP table sa Xylo at Cove Manila, mayroong isang Sugar Da**y na hindi kasama sa mga video,” kalakip ng kaniyang larawan ay mababasa sa Facebook post ng online personality, Linggo.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Binuweltahan ni Donnalyn ang malisyuso umanong pahayag na ito ni Xian laban sa kababaihan, Linggo.

“*Every story* sure ka? No offense Gaza pero wag mo lahatin, merong mga babaeng kayang magbayad ng VIP table kahit san mo pa siya dalhin. Nasaan ka ba at ako pagbayarin mo sa VIP table—club of your choice, nang malaman mo hindi lahat ng babae may Sugar Daddy at madaming never nagkaSugar Daddy,” pagsisimulang litanya ni Donnalyn.

Dagdag ni Donna, sa halip na ibaba ang kababaihang nasasangkot sa naturang gawain, “pwede natin sila i-encourage maging good money earners,” ani Donnalyn na kasalukuyang may kaugnay na negosyo.

“I will never see myself superior to women who has Sugar Daddie’s just cause I’ve never done it, malawak isip ko lalo sa fact na other women weren’t given the same opportunity as me—what I’m saying is, the issue here is kaya madaming nagSusugar Daddy ay dahil sa poverty, lahat naman naghahangad ng maginhawang life and wants to experience that lavish life,” pagpapatuloy ni Donnalyn.

“Kung naghahanap ka ng ways to contribute to reduce poverty, edi sana hindi nakakababa ng morale ng mga babae ang pinopost mo. Talk to me and I’ll tell you what I’m doing to contribute na hindi ko pinopost, kasi baka questionin mo kung ako ba may ginagawa eh,” aniya pa.

Sunod na sinita na ng online star ang aniya’y intensyon ni Xian na pagtawanan umano ang mga babaeng may sugar daddies. Si Donnalyn na rin mismo ang humingi ng tawad para sa mga nadismaya ng online personality.

Kasunod ng mahabang pag-alma ni Donnalyn, agad na may paliwanag si Xian Gaza.

“Ang main purpose ng post na ito ay patamaan yung Sugar Baby ko na dinala yung boyfriend niya sa Xylo tapos ang pinambayad ay pera na pinadala ko as sustento. Kung nasaktan kayo nang dahil dito eh hindi ko na problema yun. Wala akong pake sa nararamdaman niyo. Mabuti nga yan at shinare mo with 16M followers para tumaas engagement ng account ko. Salamat. Don't forget to like Sugar Baddie guys,” pagtugon ni Xian sa post ni Donnalyn.

“Wehh anglayo po ng explanation mo sa ginawa mong pangbaba sa lahat ng babae eh.. 😅 no offense ulit. Uii supportive sa business ng friend niya yarnn? 🤍 yes like Sugar Baddie yan opposite word ng Sugar Daddy hehe,✌🏻” balik na tugon ni Donnalyn.

Agad na nag-viral ang shared post ni Donnalyn na nasa mahigit 24,000 reaction na agad sa pag-uulat.

Umani rin ito ng sari-saring reaksyon mula sa netizens.