BEIJING - Naitala na ng China ang unang namatay sa coronavirus disease 2019 sa nakaraang anim na buwan.

Nitong Linggo, isinapubliko ng mga opisyal ng munisipyo na isang 87-anyos na lalaki ang binawian ng buhay sa Beijing sa gitna ng pahayag ng National Health Commission (NHC) na nakapagtala sila ng mahigit sa 24,000 bagong nahawaan ng sakit sa nakalipas na 24 oras.

Kamakailan, inanunsyo ng China ang biglang pagtaas ng kaso ng sakit sa mga nakaraang buwan sa kabila ng ipinaiiral na mahigpit na hakbang.

Paglilinaw ng NHC, hindi naman naging malubha ang kaso ng nasabing pasyente. Gayunman, lumala na ito dahil na rin sa tindi ng bacterial infection.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Matatandaang  sumiklab ang gulo sa pagitan ng pulisya at mga nagpoprotestang residente ng Guangzhou, isa sa hotspots ng sakit, dahil sa ipinatutupad na lockdown.

Agence France-Presse